This is me..The way i express myself..The way i think..What i feel.. What i wish for..What i want to achieve..In short..This is my life..Feel free to see the real me..
<

Araw ng linggo, pebrero 25,2007..wahhaha..ano ba yan..sa totoo lang ang iku-kwento ko ay tungkol sa nangyari nung sabay kaming umuwi ni a****. Pebrero bente dos nun..huwebes..nakakatuwa..dahil sabay kaming umuwi ulit pagkatapos ng mahabang linggong hindi pagkikita. Kung bakit. Simple lang nagkasakit ako.Malamang indi ako makakapasok..nyahaha..

Sa totoo lang namiss ko sya ng sobra..hehe..ewan ko ba..ganito lang tlga siguro kapag mahalaga sayo ang tao..nami-miss mo sya kahit masama ang loob mo. Siya nga ang dahilan ng pagkakasakit ko. Depression ata ang tawag dun.Wahaha..

Ayun..nag-decide ako na isantabi na lang lahat ng hinanakit ko sa kanya. Ndi ko alam pero kapag nakikita ko siya nawawala na lahat ng sakit kasama ng hangin.Hahaha..Ang drama ko..

Ayun nga..magkasabay kaming umuwi..Sinundo nya ko sa server room..Nakakatuwa naman kasi nakita kami nung maga IT 3-1. haha..mukhang nagwapuhan sa kasama ko..I’m so proud..haha..

Nung araw na yun balak ko na talagang magsalita sa kanya kaya lang sa sobrang tagal naming hindi nakapagkwentuhan ang daming naming napagusapan..nakalimutan ko na yung dapat kong sabihin. Ayun.. hehehe

STOP N SHOP-Abangan ng JIP

Gusto ko sanang magpatok<jip na lumilipad> kaya lang walang dumadating. Nag-insist na siyang sumakay sa kahit anong jip. Sumunod naman ako.

SA JIP

Sa loob ng jip ang dami naming napakwentuhan..Iba ibang topic..naruto..bleach..at iba pang klase ng anime.. Nangyari sa bawat isa nung mga nakaraaang linggo.. at nauwi sa usapang mejo sa tingin ko eh seryoso na.

ICE: Alam mo ba ang hina pala ni Eco uminom. hahaha.. ako hindi nalasing..talo ko pa siya..

A: bakit?<nagtataka siya>

ICE: Uminom kasi kami nung valentines day.

<umaasa akong itatanong nya kung bakit. Nabigo ako.>

A: Ganun. Saan kayo uminom?

ICE: Kina sir steve.

A: Ah..Sino sino kasama nyo?

ICE: Si sir,si eco,si enand,si khiya

A: Ah.Ksama nyo si francis.Malakas uminom yun diba..hehe

ICE:Oo..hindi nga kami napatumba ng alfonso..nangati lang ako..

A: Hehe..

ICE: <gusto ko ng seryosohin ang topic><go!> Alam mo ba si jayson may dalang flowers nung valentines.

A: Talaga.

ICE: Oo.<ano ba yan?>

<Bigla siyang nag-open nung topic.>

A: Hehe..Narinig ko nga ding pinaguusapan nila na may pagbibigyan daw si ** ng flowers.14 pa nga daw.

ICE: Ah..<tahimik ako…maganda na takbo ng usapan>

A: Sino pinagbigyan ni ** ng flowers.

ICE:<bugooink!> ha?

A: <nakatingin lang siya> sino?

ICE: Secret.

A: Ah..sino nga?<nakatingin lang ulit siya.>

ICE: ha.ah eh..ako ata..

<Ewan ko ba kung bakit sinabi ko pero nung una ayaw ko talagang sabihin..><siguro dahil meron akong gustong makita..>

A: <bigla siyang tumawa>talaga..ah..<tumatawa siya> <iniisip ko tuloy kung may nakakatawa ba sa sinabi ko?> Ayus yun ah..

*naisip ko tuloy..yun lang..tae talaga ang mga lalaki..hindi ko maintindihan kung bakit ang hirap mabasa ng reaction..masyadong magaling magtago..ang kaso ang problema eh kung may nararamdaman ba talaga sila dahil…meron akong gustong makita..hehehe.. Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit naging ganun ang takbo ng usapan.. sana nga meron akong katiting na bagay na pinanghahawakan na mahal niya din ako. Ang kaso wala..Zero Horizon..hindi alam..*

Kaya nga nung nasa cubao na pagkatapos ng isang oras na byahe dahil sobrang traffic.. eh naisipan ko na lang na dun sumakay sa sinasakyan nya pauwi.

TAPAT ng GATEWAY

A: O pano san ka sasakay?

ICE: Ha..kahit saan basta may kasabay..hehehe

<sa totoo lang gusto ko lang maksama siya ng mas matagal.>

A: San ka nga?

ICE: Sige dun na lang ako sa sasakyan mo! Para may kasabay ako..hehehe..wag ka ng pumalag..

* At ayun hindi na nga siya pumalag..heheh..*

*Ewan ko ba kung bakit ganito ang istorya..isa lang ang masasabi ko.. Mahirap basahin ang lalaki..

February 25th, 2007 at 3:13 am