This is me..The way i express myself..The way i think..What i feel.. What i wish for..What i want to achieve..In short..This is my life..Feel free to see the real me..
<

lunes na… simula na naman ng bagong linggo para sa isang mag-aaral na tulad ko..november 27 na.. lumipas na ang aking kaarawan at nadagdagan na naman ng isang taon ang edad ko..kung guston nyong malaman kung ilan taon na ko..nasa teens pa naman ako..hehehehe..kasalukuyan akong naka-duty ngayon sa server room at habang kumain ng pudding na tinda ng PAN DI PIDROS eh umiinom naman ako ng BLUE COLA na tinda ng FROSTY BOY na hindi ko alam kung bakit tinawag yun na ganun..eh lasang lemonade naman..nung una nga eh akala ko ay bubblegum flavor drink..kaya naenganyo akong bumili at ng aking natikman eh na-disappoint ako sa lasa..ang asim… hehehehe..

so anong koneksyon sa iku-kwento ko..kaarawan ko nung sabado…so maganda ang aking suot…off-shoulder na itim..na daring daw…eh hindi naman… so maganda ang mood ko nang araw na yun…dahil may inaasahan akong dumating…na itatago ko na lamang sa pangalang "WHAT THE HELL.."..ganito kasi yun…binati nya na ko ng advance..at sinabing pupunta siya ng sabado..kahit wala syang pasok…ako naman ay lubos na umasa sa kanyang pagdating… ganado akong mag-blowout..bumili ako ng cake sa goldilocks at ice cream at pizza bilang handa sa server rooom at sa mga magaganda at gwapo kong kamg-aral..

alas 3:00 na.. natapos ang ECOLOGY..na ewan ko ba bakit naging enumeration ang quiz eh parang wala ka namang i-e-enumerate.. nagkandahaba na ang aking leeg sa kakatingin sa labas ng klasroom at umaasang darating sya katulad ng kanyang nasabi…ngunit wala siya.. sbi ko "okey lang, baka late sya…"

pumatak ang alas-kwatro…nakakain na kme ng cake…wala pa xa.. dumating ang alas-singko..nag-si-alisan na sila..wala pa din xa…  hanggang sa nawawalan na ko ng pag-asang dadating pa xa… dahil mag-aala-sais na…

lumungkot na ang aking magandang mukha..

ampf!!! (^_^) <—sir steve nakiki EPAL.. heheheh (^_^) "maganda my ….." asssssss….

ayun..may nagsabi na ngang "HE DOESNT DESERVE ME…" nan itatago ko na lamang sa pangalang "MR.Z" na ikinatuwa ko kahit paano dahil sinabi nyang susubuan nya ko ng ice cream… pero…di ko ito tinanggap…dahil madaming taong nakapaligid..ngunit wala sila ay papayag ako(^_^) …..hehehehehe..

ayun… umabot na ng alas-nwebe…wala pa din ang pinakaka-asam kong dumating…at tuluyang lumungkot ang aking kaarawan..sa kabila ng mga kaibigang nag-papasaya…

ngayong lunes kaya eh…my mangyayaring maganda kaya… gusto kong magalit at wag syang pansinin…pero…sa tingin ko hindi ko naman kaya..

*ARAY!*"WHAT THE F!" may kumurot saken!

—the end—

November 26th, 2006 at 5:44 pm


Comments are closed.